INIHAYAG ni Senate Pres. Chiz Escudero na hindi niya umano tatalikuran ang responsibilidad at pagkakataon bilang lider ng Senado.Sinabi ito ng senador nang tanungin kung nais niyang manatili bilang Senate president sa pagpasok ng 20th Congress."Hindi ito kuwestiyon ng may kumpiyansa o wala. mangyayari kung ano ang mangyayari. Bagong botohan ito, hindi ito pagpapalit ng liderato base sa kawalan ng kumpiyansa. Ito ay panibagong botohan talaga para sa 20th Congress," dagdag niya. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Kampante si Senador Francis “Chiz” Escudero sa pagkakasibak kay dating Health Secretary Jose S. Pujalte matapos balutin ang maruruming isyu ang Department of Health (DOH) kaya’t masasabi na tumatag ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC).
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na malaki ang maitutulong ng pagkakatalaga sa bagong Health Secretary upang maresolbahan ang isyu sa liderato ni Pujalte na bumalot sa DOH at nagbabantang magpapadiskarel sa implementasyon ng UHC.
Aniya, lubhang napapanhon ang desisyon ng Palasyo na magbibigay ng “much‑needed clarity and stability” para sa ahensiya na nauna nitong hiniling na pakialaman ang sigalot upang matiyak ang tuloy-tuloy at pagpapatupad ng UHC program.
“We welcome the new appointment and we wish the newly appointed Health Secretary, Dr. Edwin Mercado, all the best as he takes on his new role as the administration’s chief implementer of its health programs,” aniya.
Kasabay nito, malugod na tinanggap din ni Escudero ang pagkakatalaga kay Dr. Beverly Lorraine C. Ho bilang bagong President and CEO of PhilHealth, na magbibigay ng tulong sa leadership transition sa DOH.
Si Ho, kasalukuyang chief health officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc., na nagsilbi bilang DOH as undersecretary at spokeperson ng health department sa panahon ng COVID-19 pandemic.
“Ang pagtalaga kay Dr. Ho sa PhilHealth ay nagbibigay ng karagdagang lakas sa ating UHC reforms. May sapat siyang karanasan sa public health at pamamahala upang maipagpatuloy ang mga repormang kailangan ng sistema,” ani Escudero.
Binanggit ni Escudero na ngayon may bagaong kalihim, mapagtutuunan ng DOH ang pagpapalakas sa implementasyon ng UHC partikular ang pagpapalawak ng sakop ng PhilHealth at mapahusay ang access ng publiko at pribadong health facilities.
Aniya, “incoming Secretary Mercado, who is a US‑trained orthopedic surgeon with 35 years of experience in hospital management and has served as PhilHealth president and CEO since February last year, brings institutional familiarity that can help stabilize ongoing reforms.”
“Ang pagtalaga kay Dr. Ho sa PhilHealth ay nagbibigay ng karagdagang lakas sa ating UHC reforms. May sapat siyang karanasan sa public health at pamamahala upang maipagpatuloy ang mga repormang kailangan ng sistema,” giit ni Escudero.
“Pipilitin po nating matugunan iyan. Mahaba pa po ang usapin kaugnay sa universal health care … gayun din ‘yung dapat nating tahaking landas tungo sa mithiin nating lahat na totoo, makatarungan at pangkalahatang pagpapatupad ng UHC para sa kapakanan ng ating mga kababayan,” aniya. Ernie Reyes