Home NATIONWIDE Buong Bansa ang Mag-aaruga sa Kabataan

Buong Bansa ang Mag-aaruga sa Kabataan

3
0

Karapatan ng bawat batang Pilipino na lumaki sa isang ligtas, mapag-aruga, at mapagkalingang pamayanan kung saan malaya nilang maaabot ang kanilang mga pangarap.

Pananagutan ng buong lipunan ang paghubog kabataan, at nagsisilbing pangalawang tahanan ang paaralan.

Kaya naman patuloy na tinitiyak ng pamahalaan ang kanilang kaligtasan, kalusugan, at maayos na pag-aaral.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, pinatitibay ang primary at secondary education programs upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

P25.7 bilyon ang inilaang pondo school-based feeding program para tiyakin ang kalusugan
ng mahigit 4.6 milyong mag-aaral mula Kinder pataas.

Nagsama-sama ang mga ahensiya gaya ng DPWH, PAGCOR at mga local government, sa pagtatayo ng mga gusaling pampaaralan.

Katuwang din ang private sector na nagtatayo ng ma-higit 16,000 classrooms sa Luzon ilalim ng Public-Private Partnerships, at susunod na sa Visayas at Mindanao.

Sa 2026 budget, P85.3 bilyon ang nakalaan para sa basic education facilities, kabilang ang P66.9 bilyon para sa construction at completion ng mga bagong gusali at tech-voc laboratories.

Halos 44,000 pampublikong paaralan ang may Internet access P10.68 bilyon ang laan para sa patuloy na paghahatid ng computers, digital devices, at reliable connectivity, lalo na sa mga liblib na lugar.

At bilang katuparan ng pangako ni Pangulong Marcos na walang guro na magre-retire na Teacher 1, 81,499 na guro at school heads
na ang na-promote sa ilalim ing Expanded Career Progression.

Para maiwasan ang bullying at karahasan pinapalakas ang seguridad sa tulong ng LGU, barangay, PNP, at Deped. Tinlyak na handa at epektibo ang mga mekanismo sa pag-uulat at agarang pagtugon sa mga insidente ng bullying,
habang patuloy na sinasanay ang mga punong-guro at guro para mamagitan sa hindi pagkakaunawaan estudyante. Nagtatalaga rin ng 10,000 School Counsellor Associates para tulungan ang mga mag-aaral na may pinagdadaanang problema.

Tungo sa Mas Magandang Bukas Kasama ng buong lipunan, binubuo natin hindi lang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga bata kundi mas matatag na bansa. Protektahan natin
ang kanilang mga pangarap ngayon upang sila ang magdala sa Pilipinas tungo sa mas magandang bukas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here