Home NATIONWIDE PBBM bibisita sa mga binahang pamilya sa Las Pinas

PBBM bibisita sa mga binahang pamilya sa Las Pinas

1
0

MANILA, Philippines – PUPUNTAHAN ngayong umaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Las Pinas City, isa sa nakaranas ng matinding pagbaha nitong Habagat.

Bibisitahin at kakamustahin ng Pangulo ang mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon na nagbuhos ng malaking volume na mga pag- ulan

Subalit bago pa ito, pupuntahan muna ng Pangulo ang mga bakwit sa Alido Bridge sa Zapote.

Personal na inspeksiyunin ng Pangulo ang high vacuum self – primming drainage trailer pump, isang malaking Mobile water pump na puwedeng hatakin ng sasakyan at gamitin sa paghigop ng baha o emergency drainage.

Mula zapote ay didiretso na si Pangulong Marcos sa Verdant Covered Court sa Pamplona 3, Las Pinas para bisitahin ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan duon at personal na pangunahan ang paghahatid ng ayuda sa mga apektadong pamilya ng Habagat. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here