Home NATIONWIDE P7.2T badyet sa 2027 tinanggap ng House of Representatives

P7.2T badyet sa 2027 tinanggap ng House of Representatives

3
0

MANILA, Philippines – Pormal nang tinanggap ng House of Representatives sa pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang P7.2-trilyong panukalang 2027 National Expenditure Program (NEP) mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Ang 2027 NEP, na pinakamalaki sa kasaysayan, ang magiging batayan ng General Appropriations Bill (GAB) o panukalang pambansang badyet para sa susunod na taon.

Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon, mas mataas ng 6 porsiyento ang panukalang badyet kumpara sa kasalukuyang P6.793-trilyong General Appropriations Act (GAA).

Sinabi ni Speaker Dy na magiging masusi ang pagsusuri ng Kamara sa bawat bahagi ng panukalang badyet.

“Masusi nating susuriin ang bawat bahagi ng panukala,” ani Dy.

Ito ang unang pagkakataon na ang buong proseso ng badyet para sa susunod na taon ay isasagawa sa ilalim ng pamumuno ni Dy.

Magpapatuloy rin ang mga repormang ipinatupad noong nakaraang budget process, kabilang ang Budget Amendments and Review Subcommittee (BARSc) at ang livestreaming ng budget bicameral committee deliberations, bilang bahagi ng mas transparent na proseso ng pagbuo ng badyet.

Inaasahang ihahain ng pamunuan ng Kamara ang General Appropriations Bill matapos ang paunang pagdinig ng Committee on Appropriations sa panukalang badyet. RNT/MDS/Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here