Home HOME BANNER STORY PBBM aminado, ginagawa ng gobyerno kontra baha: epektibo pero kulang pa rin

PBBM aminado, ginagawa ng gobyerno kontra baha: epektibo pero kulang pa rin

1
0

MANILA, Philippines – Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na epektibo subalit kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno kontra baha.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati ginawa niyang pag-inspeksyon sa HIGH VACUUM SELF-PRIMING DRAINAGE TRAILER PUMP sa Alido Bridge, Barangay Zapote, Las Piñas City, araw ng Martes,

“Malakas ang ulan nung nakaraang ilang araw at mabuti naman at tama naman dahil sa binigay kong instruction sa DPWH patuloy yung dredging na ginagawa. Mukhang nagkaroon naman ng epekto, hindi ganoon kalala ang pagbaha, medyo nabawasan. Dati hanggang sa dibdib, ngayon e wala pa, hindi pa, hindi na, kulang pa sa tuhod ang baha,” ayon sa Pangulo.

“So effective naman ang ating ginagawa ngunit alam naman natin kulang pa rin yan, marami pa rin tayong kailangan gawin. Halimbawa sa dredging , ngayon lang tayo nag dredge ulit , tinigil, may moratorium sa dredging for 12 years. So 12 years walang dredging kaya pababaw nang pababaw yung mga ilog natin, yung mga spillway natin. Speaking of spillway, kailangan talaga natin tapusin yung spillway dito sa Las Piñas para may labasan yung tubig at matagal nang natigil yang planong yan,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na ang plano ay umabot ng mahigit sa 10 taon pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ito nabuo at ngayon sa ilalim ng kanyang administrasyon ay kailangang gawin ito.

“So I’ve given instructions to Secretary Vince, so tignan na muna natin balikan na natin ang mga plano, tignan natin kung may kailangan palitan,” ang winika ng Pangulo

“But whatever it is kung anong kailangan gawin, kailangan tapusin natin, ilagay na natin ang spillway. Malaking bagay yan para sa pagbabahaa ng NCR,” ang sinabi pa rin ng Chief Executive.

Ang isa pa aniya niyang nakikitang isyu na nangyari ay iyong pagbaha sa Parañaque lalo na iying mga lugar na bumaha dahil sa basura.

“Nnakita niyo yung picture na punong-puno yung kanal, punong-puno ng basura na hindi naman galing sa Parañaque, galing sa ibang lugar yan,” anito.

Subalit dahil nabuksan na ang mga kanal, napasok nasabayan pa ng high tide kaya naipit ang mga basura.

Kaya ang kanyang panawagan sa lahat lalo na sa local government unit, lahat ng mamamayang Pilipino ay mag-ingat dahil ang malaking pinsala ang nangyayari kapag ang basura ay hindi naitatapon ng maganda at maayos at kung saan-saan na lang nilalagay.

“Kami naman dito sa pamahalaan ay itutuloy na natin yung Waste to Energy program. Yun yung kinukuha ang basura at ito ay pinu-process at ginagwang kuryente. napakalaking bagay kapag natapos na natin,” ani Pangulong Marcos.

Bukod dito, patuloy pa rin ang ginagawa ng gobyerno na anti-contracting at kontra baha.

“‘Yung project natin na naroon at patuloy pa rin ang dredging pati kasama ang LGU at ang LGU nakaksama na rin natin sa dredging at makikita natin ang effect na ito,” anito.

“Kahit may baha pa ng konti, malaki ang binawas hindi na ganun ka lalim. Pangalawa mas mabilis mawala yung tubig dahil nabuksan na natin ang ating mga kanal,” ang binigyang diin ng Pangulo.

“Patuloy ang ating gagawin ito dahil hindi pa tapos ang tabaho, marami pa tayong gagawin, ngunit effective ang ating nagawa na nasimulaan itong taon na ito, hindi natin titigilan hanggang matapos yan. Ang dredging talagang walang tigil yan tuloy-tuloy yan,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here