MANILA, Philippines – Nakasamsam ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P98 milyong halaga ng ilegal na droga at nakaaresto ng 139 suspek sa mga operasyon sa buong bansa mula Hulyo 30 hanggang Agosto 6.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, nagsagawa ang ahensya ng 91 operasyon sa nasabing panahon.
Kabilang sa mga naaresto ang 71 tulak, 30 bisita o kliyente ng drug den, 13 maintainer o may-ari ng drug den, 10 empleyado ng drug den, 12 nahulihan ng droga, at 3 gumagamit ng droga.
Mahaharap ang lahat ng suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 7,953.03 gramo ng shabu, 0.05 gramo ng liquid shabu, 6.71 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, 205,680 piraso ng halamang marijuana, 6,400 piraso ng marijuana seedlings, at 1,000 ml ng marijuana oil.
Ayon kay Nerez, “The fight against illegal drugs remains a shared responsibility. Together with our partners and our communities, we will remain relentless in building safer, more secure, and drug-free communities toward a drug-free Bagong Pilipinas.” RNT/MDS