Home NATIONWIDE SC: Iligal na tinanggal na empleyado may karapatan sa backwages, SSS contributions

SC: Iligal na tinanggal na empleyado may karapatan sa backwages, SSS contributions

1
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Korte Suprema (SC) ang mga employer na ang iligal na tinanggal na empleyado ay may karapatan hindi lamang sa buong backwages kundi pati sa remittance ng kanilang Social Security System (SSS) contributions mula nang sila ay tanggalin hanggang sa sila ay maibalik sa trabaho.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, sinabi ng SC na ang iligal na tinanggal na empleyado ay itinuturing na nanatiling empleyado sa panahong saklaw ng kanilang backwages at may karapatan sa lahat ng benepisyong dapat sana’y natanggap nila.

Binanggit ng SC ang Article 294 ng Labor Code, na nagsasaad na ang iligal na tinanggal na empleyado ay may karapatan sa full backwages at iba pang benepisyo.

Ang paalala ay ginawa sa desisyong ibinasura ang petisyon ng Lopez Sugar Corporation (LSC).

Ang apat na empleyado ng LSC na sina Romeo Perrin Jr., Eduardo Candelario, Leonito Franco, at Rogelio Pabalan ay inutusang ibalik sa kanilang dating posisyon at bayaran ng buong backwages.

Matapos maging pinal ang desisyon, hiniling nila sa LSC na ihulog ang kanilang SSS contributions para sa panahong saklaw ng kanilang backwages upang maging kwalipikado sa retirement benefits. Tumanggi ang LSC at iginiit na natapos ang kanilang obligasyon sa paghuhulog ng SSS nang matanggal ang mga empleyado.

Hindi ito tinanggap ng Social Security Commission (SSC) at inutusan ang LSC na bayaran ang mga kontribusyon. Pinagtibay ito ng Court of Appeals, kaya umapela ang LSC sa SC.

Ibinasura ng SC ang apela at sinabi na nanatili ang obligasyon ng LSC na ihulog ang SSS contributions ng mga empleyado para sa panahong saklaw ng kanilang backwages.

Ayon sa SC, “Here, there is no dispute that Perrin et al. were illegally dismissed, as ruled by the NLRC (National Labor Relations Commission) and affirmed by the CA and the Court (SC). Thus, they are deemed to have never left their employment.

“Consequently, LSC’s obligation to remit Perrin et al.’ s social security contributions did not cease with respect to the period during which Perrin et al. were illegally dismissed.

“Since LSC failed to remit Perin et al.’s social security contributions, LSC is liable to pay a penalty thereon of three percent (3%) per month from the date the contribution falls due until paid, pursuant to Section 22 of the Social Security Act of 1997.

“Accordingly, the Petition for Review on Certiorari is denied. The Decision, dated Oct. 14, 2020, and the Resolution, dated April 26, 2022, of the Court of Appeals in CA-G.R. SP No. 158759 are affirmed.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here