Home METRO Bantay Dagat member utas sa kuryente sa Batangas

Bantay Dagat member utas sa kuryente sa Batangas

1
0

BATANGAS, Philippines – Patay ang isang 23-anyos na Bantay Dagat member matapos makuryente habang tumutulong sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) noong hapon ng Agosto 10 sa Barangay Sawang, Lobo, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Chris, 23, residente ng Barangay Lagadlarin, Lobo, Batangas.

Ayon sa ulat, bandang 1:25 p.m., tumutulong ang biktima sa mga tauhan ng PCG sa paghila ng kanilang bangka papunta sa dalampasigan gamit ang electric winch.

Bigla umano siyang nakaranas ng hindi mapigilang paggalaw ng katawan at pinaniniwalaang nakuryente dahil sa pagkakadikit sa winch line.

Agad siyang binigyan ng first aid ng Lobo Coast Guard at dinala sa Lobo Municipal Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here