Home HOME BANNER STORY LPA sa labas ng PAR posibleng maging bagyo sa loob ng 24...

LPA sa labas ng PAR posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras

3
0

MANILA, Philippines – May mataas na posibilidad na maging tropical depression sa loob ng 24 oras ang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.

Bandang 2 p.m., namataan ang LPA sa layong 1,650 kilometro silangan ng pinakahilagang bahagi ng Luzon.

Patuloy ring palalakasin ng Habagat (Southwest Monsoon) ang pag-ulan sa Luzon.

Sa loob ng susunod na 24 oras, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, CALABARZON, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Marinduque, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Ang natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog, habang lokal na thunderstorms ang mararanasan sa Visayas at Mindanao.

Magiging katamtaman hanggang malakas ang hangin sa hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon, at katamtaman hanggang maalon ang karagatan sa mga baybayin nito. Sa natitirang bahagi ng bansa, mahina hanggang katamtaman ang hangin at bahagya hanggang katamtaman ang alon sa mga baybayin. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here