Home NATIONWIDE “Precinct finder” isasa-aktibo ng Comelec sa BARMM Parliamentary Elections

“Precinct finder” isasa-aktibo ng Comelec sa BARMM Parliamentary Elections

3
0

MANILA, Philippines – Isasa-aktibo ng Commission on Elections (Comelec) ang Precinct Finder nito dalawang linggo bago ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14. 

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia sa paglulunsad ng “Handbook on Data Privacy Policies” sa Manila Cathedral sa Intramuros noong Martes, na ang mga rehistradong botante ng BARMM ay magkakaroon ng access sa online tool kung saan maaari nilang mahanap ang kanilang mga lugar ng botohan.

“Habang ang Comelec ay namamahagi na ng mga voter information sheet, na nakarating sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro region, hindi namin nais na umasa lamang sa mga sheet na iyon,” ayon kay Garcia.

Sinabi rin ni Garcia na  nakikipag-ugnayan sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maiwasang maulit ang “Comeleak” noong 2016, nang nasira at na-hack ang website, at nagresulta sa paglabag sa sensitibong impormasyon ng mga botante.

Aniya, anumang sistema na inilunsad o ginagamit ng Comelec ay nangangailangan ng pag-apruba ng DICT. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here