Home NATIONWIDE Paggasta ng milyong piso para sa seguridad ni VP Sara sa mismong...

Paggasta ng milyong piso para sa seguridad ni VP Sara sa mismong balwarte nito sa Davao City, kinuwestiyon

3
0
via SunStar Davao

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng House Prosecution panel ang  paglalaan ng milyon-milyong pisong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga aktibidad at seguridad nito sa Davao City, na tinawag nilang “pinakaligtas” na lugar para kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang press conference, binigyang-diin ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na batay sa testimonya ni Commission on Audit (COA) state auditor Xylene Del Campo, lumalabas na may ilang milyon sa confidential fund ang ginasta para sa security-related activities sa Davao ni VP Sara.

Giit ni Alonto Adiong, ang Davao City ang maituturing na pinakaligtas na lugar para kay VP Sara.

“The safest place for her is Davao City, di ba? why would you spend money for, in an area where ypu feel the safest?” pahayag ni Alonto Adiong.

Ipinaliwanag ni Alonto Adiong na walang direktang mandato ang OVP sa usaping panseguridad,aniya, ang security para sa mga public events para kay VP Sara ay hinahawakan na ng police at military  kaya hindi na kailangan pa na ireplicate ng OVP ang trabaho ng mga ito.

“Sapat na ang regular na police work nang hindi na kinakailangang gumastos ng milyon-milyon mula sa confidential funds”giit ni Alonto Adiong.

Inihalimbawa ni Alonto Adiong na kung dadalo ng inagurasyon sa Davao City si VP Sara ay kayang kaya na ng police ang pagbibigay ng seguridad kaya hindi na dapat gumastos pa ng milyon gamit ang confidential funds.

Ganito rin ang posisyon ni House Prosecutor Rep Keith Flores, aniya,mayroong mga aktibidad si VP Sara ngayon na nagagawa nya gaya ng tree planting, Christmas parties at road safety engagement nang walang confidential fund.

“Successful naman, safe naman yung mga activities. So bakit dati ay kailangan na gastusan ito sa confidential funds” giit ni Flores.

Para kay Flores naging mahina ang argumento ng depensa na may katwiran ang ginasta nito sa confidenial fund dahil parehas na aktibidad ay nagagawa naman ni VP Sara nang alisin na ang nasabing pondo. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here