Home OPINION MALAWAKANG KRISIS KAILAN MASO-SOLB?

MALAWAKANG KRISIS KAILAN MASO-SOLB?

2
0

SA bawat dumarating na bagong administrasyon, ipinanalangin natin na maaayos ang malalaking problema ng bansa, lalo na ang malawakang gutom, paghihirap at kawalan ng pag-asa sa kinabukasan.

Ipinanalangin natin ang pagkakaroon ng pag-unlad bilang tugon dito at sa pag-unlad, makararating ang bunga nito sa higit na nakararami na biktima ng nasabing malawakang krisis.

Gayunman, tila hindi nasasagot ang ating panalangin at panalangin na rin ng iba’t ibang pananampalataya.

Tila hindi umaangat ang ekonomiya ng mahal kong Pinas at sa halip, bumubulusok nang bumubulusok at nagbubunga ng lumalalang krisis sa hanay ng mga mamamayan.

Hindi nararamdaman ng mga mamamayan ang ipinagmamalaki ng gobyerno na umangat at umunlad na ang bansa sa upper middle income.

TINGNAN NATIN

Noong umalis sa Palasyo si ex-President Digong Duterte noong 2022, umabot sa 5.6 porsyento ng Gross National Product o GDP na humigit-kumulang sa P30 trilyon at nagpatuloy ito sa unang taon ng administrasyon ni Pang. Bongbong Marcos.

Dumating ang 2024, tumaas pa nang kaunti sa 5.7% ngunit bumagsak ito sa 4.4% nitong 2025.

Ngayon 2026, lalong bumagsak ang GDP sa 2.8% sa unang tatlong buwan at lalong bumagsak sa 2.3% sa sumunod na tatlong buwan o mula Abril hanggang Hunyo.

Malaking katanungan: Aangat pa kaya ito hanggang sa katapusan ngayong taon?

Ang sabi, baka mahirapan dahil walang gaanong proyektong imprastraktura bukod lang ang paggawa ng mga eskwela at pagpapatuloy lang ng mga nasimulang iba.

Ayon mismo sa pamahalaan, sa imprastraktura iniaasa ang pinakamalaking hakbang tungo sa pag-unlad ng GDP dahil trilyones na piso ang ginagastos mismo nito para sa pagbili ng materyales, pansahod sa mga obrero at paggana ng mga negosyong konektado rito gaya ng sa semento, bakal, buhangin, bato, bentahan ng makinarya, pagkain, elektrisidad at iba pa.

Partikular na itinigil ang paggawa ng imprastraktura sa flood control na mahigit trilyong piso ang nilamon ng mga korap habang naging makunat ang paggawa ng mga iskul, gaya ng 67 silid-aralan lamang nitong 2025 sa kabila ng bilyon-bilyong pondo para rito.

NAKASISIRANG BAHA AT SUPER EL NINO

Minamalas din tayo sa taong ito sa sobrang sungit ng kalikasan o tag-ulan na halos tuloy-tuloy at maaaring magtapos lang sa kalagitnaan ng Oktubre 2026.

Ang daming napiperwisyo na ikinatitigil o ikinasisira ng dapat sana’y pag-unlad natin.

Sinisira ng mga habagat, bagyo at pag-ulan ang ekonomiya sa pamamagitan ng nililikha nilang mga baha, landslide at iba pa na ikinamamatay na rin ng dumaraming mamamayan.

At hindi pa matatapos diyan ang sungit ng kalikasan dahil makaraan ang unos sa tag-ulan, susunod naman ang super El Nino na magtatagal hanggang Pebrero-Marso sa 2027.

Kung may nasisira sa agrikultura ngayon, lalong masisira ito sa pagdating nga super El Nino na lilikha ng krisis sa tubig hindi lang sa mga sakahan at palaisdaan kundi sa tubig inumin.

KONTRA-HAKBANG NG GOBYERNO, ANO NA?

Marami namang sinasabi ang mga taga-Palasyo at Kongreso na hakbang tungo sa pag-unlad at laban sa mga krisis.

Ngunit, anak ng tokwa, lumilitaw na higit na prayoridad nila ang impeachment at ito ang higit nilang pinag-aawayan at pinagkakagastusan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here