MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng Habagat ang Luzon ngayong Huwebes, Agosto 13.
Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Ilocos Region, Benguet, Abra, CALABARZON, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Marinduque, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.
Kaparehong panahon din ang mararanasan sa Visayas at Mindanao dahil naman sa localized thunderstorm. RNT/JGC