Home NATIONWIDE Comelec, wala pang naitatalang karahasan sa BARMM polls

Comelec, wala pang naitatalang karahasan sa BARMM polls

1
0

MANILA, Philippines – Mula Hulyo 16 hanggang Agosto 12 ay wala pang naitalang pinaghihinalaan o validated election related incident sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections .

Batay sa pinagsamang monitoring report ng Commission on Elections at Philippine National Police, wala ring naitalang marahas na insidenteng may kaugnayan sa halalan.

Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 12 paglabag sa gun ban habang 17 sibilyan ang naaresto.

Umabot sa 23 armas ang nakumpiska, kabilang din ang siyam na small arms, siyam na light weapons at limang pampasabog, bukod pa sa 100 bala.

Nakapagsagawa rin ang mga awtoridad ng 18,457 COMELEC checkpoint sa BARMM mula nang simulan ang monitoring period.

Matatandaang nakatakdang isagawa ang kauna unahang BARMM parliamentary elections sa September 14,2026. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here