Home NATIONWIDE Leadership fund sa badyet, bubuwagin ni Lacson

Leadership fund sa badyet, bubuwagin ni Lacson

2
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Huwebes na buwagin ang “Leadership Fund” o allocables sa pambansang badyet, na hindi lamang isa pang anyo ng pork barrel kundi mas masahol na bersiyon ng ipinagbawal na sistema.

Ayon kay Lacson, ipinakita ng testimonya ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, gayundin ng mga kamakailang kaganapan kaugnay ng mga maanomalyang proyekto sa flood control, kung paano nabigyan ng “Leadership Fund” ang mga mambabatas ng pagkakataong magsingit ng mga proyekto sa badyet kahit nasa preparation phase pa lamang ang pambansang badyet.

“The Leadership Fund aka ‘allocables’ is a worse version  of the outlawed pork barrel system. It added another layer that provided legislators opportunity to make budget insertions even during the Preparation Phase of the national budget, or before the National Expenditure Program (NEP) is transmitted to the Congress for deliberations by both chamber, where further insertions could still be introduced,” ani Lacson, na hindi kailanman nakinabang sa anumang anyo ng pork barrel o katulad na pondo.

“With all that said, I maintain that such anomaly in the passage of the national budget must stop,” dagdag niya.

Unang lumitaw ang “leadership fund” noong Setyembre ng nakaraang taon nang banggitin ito ni Bonoan sa isang pagdinig ng Senate Blue Ribbon na pinamunuan ni Lacson hinggil sa flood control scandal.

Noong panahong iyon, bilang tugon sa tanong ni Lacson kung paano nakapagsisingit ang mga mambabatas ng mga proyekto sa panukalang badyet na hindi pa pumapasok sa legislative phase, sinabi ni Bonoan na pinagsasama-sama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga hinihiling na proyekto ng mga mambabatas para maisama sa NEP, kabilang ang mga dumadaan sa “leadership fund” sa Senado.

Sinabi ni Bonoan na sinusuri ng planning service ng DPWH ang mga panukala upang matiyak na ang mga proyektong isinasama ay “are consistent with development programs.”

Sinabi rin niya na pinapayagan ang mga insertion sa NEP stage upang maiwasan ang mga komplikasyon sa bicameral conference committee, dahilan upang ipaalala ni Lacson na “the role of lawmakers is in the authorization phase,” o kapag isinusumite na sa Kongreso ang panukalang batas sa badyet para sa deliberasyon.

Ayon kay Lacson, nakatutulong ang “Leadership Fund” upang maipaliwanag kung paano nalalaman ng publiko ang tungkol sa mga indibidwal na alokasyon na umaabot sa bilyun-bilyong piso para sa mga mambabatas—kabilang ang P6.79 bilyon para kay dating Senate President Alan Peter Cayetano at P4.7 bilyon para kay Sen. Pilar Juliana Cayetano sa Taguig City, mula sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi niyang ang naturang mga indibidwal na alokasyon sa Taguig City—isang local government unit na may dalawang legislative district—ay humantong sa “illegal reclamation disguised as slope protection and flood mitigation projects, now the subject of an investigation by the Ombudsman and forfeiture proceedings by the Philippine Reclamation Authority.”

Itinuro rin ni Lacson na ang kanyang panawagan na buwagin ang “leadership fund” ay nagbanta noon sa pagka-Senate President ni Vicente Sotto III, kasunod ng pagbubunyag ni Bonoan sa kanyang testimonya sa Sandiganbayan noong nakaraang Miyerkules na lahat ng senador noong 2024 ay may hindi bababa sa P500 milyon na alokasyon para sa kanilang mga priority project sa ilalim ng “Leadership Funds.”

“My call for its abolition after exposing the leadership fund threatened then SP Sotto’s Senate presidency,” diin ni Lacson.

“While insertions per se do not automatically translate to misuse of public funds, it could open the floodgates of abuse and misuse of public funds for some corrupt politicians,” dagdag niya.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here