Home NATIONWIDE Ex-DPWH-Mimaropa official humiling ng hospital arrest dahil sa pagkaparalisa

Ex-DPWH-Mimaropa official humiling ng hospital arrest dahil sa pagkaparalisa

3
0

MANILA, Philippines – Naghain ng urgent motion para sa hospital arrest ang abogado ni dating DPWH-Mimaropa Maintenance Division Chief Juliet Calvo matapos umano itong maparalisa habang nakakulong sa Camp Caringal Female Dormitory sa Quezon City.

Ayon sa kanyang abogado, inilipat si Calvo sa isang pribadong ospital sa Pasig kung saan siya sumasailalim sa mga pagsusuri at obserbasyon. Sinabi nitong naparalisa si Calvo noong Agosto 5, hindi na makapagsalita, at paminsan-minsan na lamang nakakagalaw ang kanyang mga daliri sa kamay at paa. Patuloy pa rin siyang imo-monitor ng mga doktor sa loob ng isa’t kalahating linggo upang matukoy ang sanhi ng kanyang kondisyon.

Inanunsyo ng Sandiganbayan Sixth Division na magsasagawa ito ng pagdinig sa mosyon at hihingi ng medical update mula sa doktor ni Calvo. Hindi rin tumutol ang prosekusyon sa hiling na hospital arrest.

Si Calvo ay kabilang sa mga akusado sa kasong malversation kaugnay ng umano’y maanomalyang road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Samantala, ipinagpaliban ng korte ang pagharap ni dating DPWH-Mimaropa Project Engineer Felisardo Casuno matapos ipaalam ng kanyang abogado na magwi-withdraw ito bilang counsel. Inilipat ang pagdinig sa Setyembre 1 upang mabigyan ng panahon si Casuno na makipag-ugnayan sa bago niyang abogado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here