Home NATIONWIDE Kung may dapat sitahin impeachment court, ito ay si VP Sara –...

Kung may dapat sitahin impeachment court, ito ay si VP Sara – Co

1
0

MANILA, Philippines – Para kay House Prosecution Sppokesperson at Kabataan Partylist Rep Renee Co na kung mayroon mang dapat tawagin o sitahin ang Senate Impeachment Court ito ay walang iba kundi si Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang mga pahayag na nagdududa sa integridad ng korte.

Ang pahayag ay ginawa ni Co bilang reaksyon sa sinabi ni Impeachment Presiding Judge Francis “Chiz” Escudero nga maglalabas ng desisyon ang impeachment court sa Lunes, Agosto 17, hinggil sa mga alegasyon ng paglabag sa Rule 18 ng impeachment o ang pagbabawal sa  mga partido na magbibigay ng anumang komento at pahayag sa publiko tungkol sa merito ng paglilitis.

“Ultimately, kung may dapat sitahin ang impeachment court, si VP Sara iyon.Siya mismo ang bumabaluktot ng batas, lalo na sa kanyang questionable na paggasta ng Confidential and Intelligence Funds na hanggang ngayon wala pa rin pong sagot sa taong-bayan,” paliwanag ni Co.

Partikular na tinukoy ni Co angbnakakabahala na mga pahayag ni Duterte na ang proseso ng impeachment ay kinapapalooban ng “bending the law,”.

Matatandaan na una nang sinabi ni VP Duterte na nagkakaroon na ng bending the law sa impeachment  simula pa sa House of Representatives, hanggang pag akyat sa Senado gayundin ang pahayag nito na gawa-gawa lamang ang mga ebidensya laban sa kanya at ang paglilitis ay pag-aaksaya lamang ng pondo ng bayan.

Giit ni Co, kailangang protektahan ng korte ang awtoridad nito at ipatupad ang mga patakaran nang patas sa lahat.

“Kung bawal bastusin ang impeachment court, dapat bawal para sa lahat,” giit nito.

Samantala, ayon kay Atty. Benjamin Tolosa, tagapagsalita at abogado ng prosecution panel, maaaring batikusin ng mga partido ang mga kaganapan sa paglilitis, ngunit walang sinuman ang pinapayagang atakehin ang integridad ng korte mismo.

“Imbes na atakihin ang integridad ng impeachment court, humarap siya dito at sagutin niya nang diretsa ang mga mabibigat na akusasyon laban kay ka,” ani Tolosa.

Idinagdag ni Tolosa na saklaw ng sub judice rule hindi lamang ang mga abogado kundi maging ang mga partido mismo, kabilang ang respondent, at ang pag-atake sa integridad ng korte ay maaaring lumampas sa paglabag sa sub judice at maging isang uri ng paglapastangan o contempt. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here