Home NATIONWIDE LGUs sa MM hinikayat na magpatupad ng iisang anti-littering ordinance

LGUs sa MM hinikayat na magpatupad ng iisang anti-littering ordinance

1
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Las Piñas  Rep Mark Anthony Santos ang mga local government unit (LGU) sa buong Metro Manila na magpatupad ng iisang “uniform anti-littering ordinance” upang mapalakas ang mga hakbang na panatilihing malinis at maayos ang  pagtatapon ng basura ang kalakhang Maynila.

Ayon kay Santos, kailangan ng Metro Manila ng iisang hanay ng mga panuntunan at parusa laban sa pagtatapon ng basura upang matiyak ang pare-parehong pagpapatupad at maiwasan ang kalituhan sa mga residente, pasahero, at motorista na lumilipat mula sa isang lungsod patungo sa iba.

“Metro Manila is one interconnected community. Our policies against littering should also be consistent. There should be no safe haven for people who recklessly throw their garbage on streets, sidewalks, waterways and other public spaces,” ani Santos.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act, ipinagbabawal ang pagtatapon at hindi tamang pagpapakalat ng basura sa mga pampublikong lugar kabilang ang mga kalsada, bangketa, kanal, daluyan ng tubig, at parke.

Sa Metro Manila, ang umiiral na mga regulasyon ng MMDA ay nagbibigay ng ₱500 na administrative fine o isang araw ng community service para sa ilang paglabag sa anti-littering.

Iminungkahi ni Santos na magtulungan ang mga LGU sa Metro Manila sa pagbalangkas ng isang uniform anti-littering ordinance na malinaw na magtatakda ng mga ipinagbabawal na gawain at magpapatupad ng standardized na mga parusa, kabilang ang mga multa at community service, para sa mga lumalabag.

Aniya, ang panukalang ito ay kasunod ng pagharap ng pamahalaan sa tinukoy ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na lumalalang “garbage crisis” na nangangailangan ng komprehensibo at pangmatagalang solusyon.

Nagbabala si Dizon na bagamat mabilis na makakapagpakilos ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mga clean-up operation ay hindi naman sapat upang matugunan ang ugat ng problema.

Nanawagan si Dizon ng mas mataas na disiplina sa mga LGU at publiko pagdating sa pagtatapon ng basura, pati na rin ang pagbuo ng pangkalahatang master plan upang malutas ang krisis sa basura.

Sinabi ni Santos na ang panawagan ni Dizon para sa isang komprehensibong master plan ay dapat suportahan ng mas matatag at koordinadong mga patakaran sa pagitan ng mga LGU sa Metro Manila.

“Garbage does not recognize city boundaries. What is thrown in one area can end up in another city’s drainage system, creek or waterway. That is why our response must also be coordinated across Metro Manila,” giit ni Santos.

“Garbage thrown on streets and sidewalks eventually finds its way into canals, creeks and waterways. When these become clogged, the risk of flooding increases. A simple act of littering can therefore create serious consequences for an entire community,” dagdag pa nito.

Nanawagan din si Santos sa mga LGU na samahan ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas ng tuloy-tuloy na kampanya sa impormasyon ng publiko, sapat na basurahan, madaling puntahang waste collection points, at regular na pagbabantay sa mga lugar kung saan madalas magtapon ng basura. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here