Home METRO Sunog sumiklab sa highrise building sa Binondo

Sunog sumiklab sa highrise building sa Binondo

1
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang high rise building aa kahabaan ng C.M Recto Avenue corner Juan Luna Street sa Binondo, Maynila nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ibinahaging report ng Manila Police District -Public Information Office, nagmula ang sunog sa basement ng KP Tower bandang ala 1:15 ng madaling araw.

Nahirapan naman ang mga bumbero na matukoy ang origin ng sunog dahil sa kapal ng usok bago ito nalaman na galing sa basement ang apoy.

Umabot ito sa upper basement ng gusali ngunit naapula rin dakong alas 2:30 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na noo’y mahimbing nang natutulong ang mga nangungupahan sa gusali.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kung ano ang sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here