Home METRO 9 bebot nasagip sa sex trafficking sa spa sa QC

9 bebot nasagip sa sex trafficking sa spa sa QC

4
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na babae mula sa umano’y sexual exploitation sa isang massage spa sa Sta. Mesa Heights, Quezon City na pinaghihinalaang nag-aalok ng sexual services.

Ayon sa NBI, nagsagawa ng entrapment operation ang Organized and Transnational Crime Division noong Agosto 5 matapos makatanggap ng impormasyon na ang spa ay nag-aalok ng mga babaeng therapist para sa komersyal na sexual services sa pamamagitan ng Telegram.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-aalok umano ang establisimyento ng “All-In” o “All the Way” packages na may kasamang sexual services. Nag-book ang mga undercover agent ng tatlong therapist sa ilalim ng naturang package, at matapos tanggapin ang down payment at isagawa ang transaksyon ay inaresto ang mga sangkot.

Ang siyam na babaeng nasagip ay dinala sa Quezon City Social Services Development Department. Ayon sa kanila, na-recruit sila at iniaalok sa mga kliyente para sa sexual services dahil sa pangangailangan sa pera.

Kinasuhan ang mga naaresto ng Qualified Trafficking in Persons (Large Scale) sa ilalim ng Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng Republic Act No. 10364, kaugnay ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here