SURIGAO DEL SUR, Philippines – Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang natitirang squad commander ng New People’s Army (NPA) Regional Sentro De Gravidad ng Northeastern Mindanao Regional Party Committee sa Lianga, Surigao del Sur noong Lunes ng gabi.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Commander Jihad,” 26-anyos, at itinuturing na Top 3 most wanted person sa Caraga Region.
Dinakip siya sa bisa ng maraming warrant of arrest para sa tatlong kaso ng murder na walang piyansa, dalawang kaso ng frustrated murder, at isang kaso ng attempted murder.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Barobo Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kanyang turnover sa korte.
Ayon sa Surigao del Sur Police Provincial Office, malaking tagumpay ito ng pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines laban sa mga natitirang lider ng Communist Terrorist Group sa rehiyon. RNT/MDS