Home NATIONWIDE Malakanyang, nanawagan sa mga TUPAD beneficiaries hinggil sa mga pekeng cleanup photos,...

Malakanyang, nanawagan sa mga TUPAD beneficiaries hinggil sa mga pekeng cleanup photos, videos

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Malakanyang sa ilang benepisaryo ng emergency employment program ng gobyerno para sa di umano’y pagpo-post ng mga litrato at video na naglilinis ng mga kanal, sama-samang nagwawalis habang bigo namang gampanan ang kanilang trabaho kung saan sila tinanggap.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na ihayag mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bansa ay nahaharap sa problema sa basura kasunod ng pagbaha sa Metro Manila matapos na humagupit ang ulan na dala ng Habagat.

Winika ni Castro na ang napaulat na pekeng litrato at videos ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) beneficiaries ay lubhang nakadidismaya dahil binabayaran ang mga ito para tupdin ang aktuwal nilang community work, kabilang na ang debris clearing at declogging g mga kanal.

“Ito ay isang example lamang po. Yung mga hina-hire para sa TUPAD, sila ay in-engage para maglinis. Pero nakita po natin na ito ay nag-viral na yung iba ay magpapa-picture lang—kunwari may basurang winalis, pero after that ay aalis na rin,” ayon kay Castro.

“Minsan sila pa ang nagtatambak ng basura para ipakitang may basura sa lugar. Wawalisin nila and then after that, nandoon lang,” anito.

“Ang gobyerno ay binibigay po ang lahat, kayo po ay hina-hire para kahit papano ay meron kayong mapagkakitaan. Pero gawin niyo po ang inyong obligasyon dahil hindi po naman kayo hina-hire at binabayaran para gumawa lang ng fake videos,” aniya pa rin.

Ang TUPAD Programa y isang mahalagang emergency employment program ng Department of Labor and Employment na naglalayong tulungan ang mga manggagawang pansamantalang nawalan ng kabuhayan o may kulang na kita. Hindi ito permanenteng trabaho at hindi rin ito simpleng cash assistance.

Saklaw ng programa ang community-based work gaya ng paglilinis at pagpapanatili sa public facilities, paglilinis ng debris, declogging ng mga kanal, segregating waste, at pagliinis ng lagusan ng tubig, itinuturing na isa sa mga mekanismo ng gobyerno para sa pagbibigay ng short-term income habang tinutugunan ang pangangailangan ng lokal na komunidad.

Ang TUPAD beneficiaries ay binabayaran base sa umiiral na minimum wage sa kanilang lokalidad para sa tagal ng kanilang inaprubahang trabaho, ”subject to program requirements and validated attendance.’ (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here