Home HOME BANNER STORY Palasyo walang papel sa extradition ni Quiboloy – DOJ

Palasyo walang papel sa extradition ni Quiboloy – DOJ

2
0

MANILA, Philippines – Walang kailangang “go signal” mula sa Malacanang para simulan ang extradition ni Pastor Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.

Ito ang nilinaw nitong Huwebes ng Department of Justice (DOJ) sa tanong kung sino ang mag-aapruba kapag handa na ang Pilipinas na ipa-extradite si Quiboloy at 2 pang respondents.

Ayon kay DOJ Chief State Counsel Dennis Arvin Chan , basta kumpleto ang mga dokumento at pasok sa pamantayan ng RP-US Extradition Treaty, maaari na agad maghain ng extradition petition sa korte ang DOJ.

Ang Regional Trial Court aniya ang susuri kung pasok sa mga kondisyon ng treaty ang petition at supporting documents. 

Wala aniyang nakikitang dahilan para hindi ipagkaloob ang extradition kapag napatunayang kumpleto ang requirements at nagtataguyod ang iba pang kinakailangan.

Nilinaw din ni Chan na hindi kailangang hintayin na matapos muna ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Pilipinas.

“Going back to Article 11 of RP-US extradition treaty, it will allow for a simultaneous track or simultaneous processing,” ani Chan.

Giit pa ng DOJ, dalawang ahensya lang ang involved sa proseso base sa Philippine extradition law– ang Department of Foreign Affairs (DFA)  na unang tumatanggap ng extradition request at ang DOJ na naghahain ng extradition petition sa korte.

Ibig sabihin, wala nang dadaan sa Palasyo bago umusad ang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here