Home NATIONWIDE Malakanyang nagdeklara ng special non-working holidays sa 7 lokalidad

Malakanyang nagdeklara ng special non-working holidays sa 7 lokalidad

1
0

MANILA, Philippines – NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng special non-working days sa 7 lokalidad para ngayong buwan ng Agosto at Setyembre.

Layon nito na payagan ang mga residente na magpartisipa sa mga events sa kani-kanilang lokalidad.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1387, ipinroklama ang Agosto 14 bilang special non-working day sa Munisipalidad ng Pio V. Corpus sa Masbаte para sa pagdiriwang ng Limbuhan Festival.

Sa kaparehong petsa, special non-working day din sa Mawab, Davao de Oro para sa pagdiriwang ng founding anniversary nito.

Gayundin, idineklara ang special non-working day sa buong Davao City, ngayong Agosto 14 para sa taunang pagdiriwang ng Kadayawan Festival at ng Indigenous Peoples Day.

Idineklara rin sa kaparehong petsa ang special non-working day sa Santo Tomas, Davao del Norte, para sa 67th founding anniversary nito.

Idineklara naman ang Agosto 25 bilang special non-working day sa City of Iloilo, sa ilalim ng Proclamation No. 1388, tanda ito ng pagdiriwang ng 89th charter anniversary nito.

Sa Minalin, Pampanga, idineklara naman ang Agosto 27 bilang special non-working day, sa ilalim ng Proclamation No. 1386, tanda ng selebrasyon ng 412th founding anniversary ng munisipalidad.

Sa bisa ng Proclamation No. 1389, idineklara naman ang Setyembre 11 bilang special non-working day sa Cordillera Administrative Region (CAR) para sa pagdiriwang ng 40th “Sipat Anniversary,” o cessation of hostilities sa rehiyon.

Samantala, ang mga nasabing proklamasyon ay tinintahan ni Executive Secretary Ralph Recto na may pahintulot ng Pangulo. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here