Home NATIONWIDE Yellow, red alert itinaas sa Visayas grid

Yellow, red alert itinaas sa Visayas grid

1
0

MANILA, Philippines – Nakataas ang red at yellow alert status ang Visayas grid ngayong Biyernes, Agosto 14 dahil sa nananatiling unavailable na ilang power plant at ang kasalukuyang capacity ay kulang para matugunan ang demand.

Ang Visayas ay naka-red alert mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, at yellow alert naman mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at mula alas-9 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Nasa 2,269 megawatts (MW) ang available capacity habang ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,511 MW.

Ito ay dahil naka-forced outage ang generating units ng major coal-fired plant, Units 1 at 2 ng Therma Visayas Inc. (TVI).

Mababa rin ang electricity imports mula sa Mindanao dahil sa shutdown ng GNPower Kauswagan Unit 2 sa Lanao del Norte at emergency shutdown ng Unit 1 nito dahil sa boiler tube leak.

Ayon sa NGCP, naka-forced outage ngayong buwan ang 10 power plants sa Visayas habang nasa 20 ang wala sa serbisyo mula 2021.

Dagdag pa rito ang 14 power plant na nag-ooperate sa derated capacity kung kaya’t ang total loss ng grid ay nasa 829MW.

Para naman sa Mindanao grid, ang available capacity ay nasa 2,800MW habang ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,619MW.

Mayroong 13 planta ang naka-forced outage ngayong Agosto, habang 13 ang unavailable mula pa 2014, at walo ang derated capacities

Ang kabuuang loss ng grid ay nasa 661.4MW. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here