Home NATIONWIDE Sta. Barbara, Pangasinan isinailalim sa state of calamity

Sta. Barbara, Pangasinan isinailalim sa state of calamity

1
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara na rin ng state of calamity ang Sta. Barbara sa Pangasinan dahil sa epekto ng Bagyong Luis, Maymay at Habagat.

Sa report ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, mayroong 5,061 pamilya mula sa 15 barangay ang apektado ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.

Pinirmahan ni Mayor Carlito Zaplan ang deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) at resolusyon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

“Under the declaration, the local government unit will have the legal basis to use the appropriate disaster fund for immediate response, relief, rehabilitation, and recovery efforts,” saad sa pahayag ng public information office nitong Biyernes, Agosto 14.

Magbibigay-daan ang deklarasyon sa mga residente na makapag-access ng tulong at calamity assistance mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Iniulat naman ng Municipal Agriculture Office ang P19.95 milyong pinsala sa mga pananim na karamihan ay mga palay at mais.

Noong Agosto 11 ay nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Dagupan City at Mangaldan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here