Home NATIONWIDE Pagkagutom na naranasan ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program, bumaba ng...

Pagkagutom na naranasan ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program, bumaba ng 6.7 puntos – SWS

1
0

MANILA, Philippines – BUMABA ng 6.7 percentage points ang bilang ng mga benepisaryo ng Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Developmen (DSWD) na nakaranas ng pagkagutom.

Ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), mula 33.6% ay naging to 26.9% na lamang ito.

Kinomisyon ng Globe, sakop ng SWS survey ang 2,400 WGP beneficiary households. Ang unang round ay isinagawa mula Pebrero 24 hanggang Marso 8, 2026, habang ang pangalawang round ay isinagawa mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 1.

Sa isinagawang presentasyon sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang pagbuti ay ramdam na ng WGP beneficiaries kaysa sa non-beneficiary households.

“Kaya na namin ngayon sabihin na 600,000 na pamilyang Pilipino ang kumakain na nang tama,“ ang binigyang diin ng Kalihim.

Nagbibigay ang WGP sa mga kuwalipikadong sambahayan ng monthly food assistance sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer cards, maaaring gamitin ng mga ito para bumili ng food items mula sa accredited retailers.

“Iyong mga electronic benefit cards pumupunta sila sa mga KADIWA, sa mga market-based organized in their basketball courts or sa mga accredited retailers kung saan puwede nilang gugulin ang tatlo libo na food credits kada buwan para makapili among the food groups,” ayon kay Gatchalian.

Pormal namang inilunsad ang WGP noong 2023 bilang the Walang Gutom 2027: Food Stamp Program. Ito’y flagship anti-hunger and social welfare initiative ng gobyerno.

Sa pangunguna ng DSWD, pangunahing target nito ang pinakamahirap na sambahayan na nakararanas ng involuntary hunger at matinding malnutrisyon.

Layon ng administrasyon na sakupin ang 750,000 sambahayan sa 2027 at kalaunan ay palawigin ang programa sa isang milyong sambahayan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here