MANILA, Philippines – Nasa balag ng alanganin ngayon ang isang unipormadong pulis matapos nitong sampalin sa mukha at tutukan umano ng baril ang isang nakasibilyang lalaki na isa rin palang pulis sa isang grocery store sa Brgy. Baesa, Quezon City nitong nakalipas na Martes ng hapon (Agosto 11, 2026).
Kasalukuyan ngayon nahaharap sa kasong grave threat, physical injuries at grave coercion ang inarestong nakaunipormeng pulis na si Patrolman Reynald Bandong Ausria, 31, binata, at kasalukuyan ngayon naka assign sa Malabon City Police (SDEU) at residente ng Brgy. Baesa, QC.
Kasama rin kinasuhan ang guardiya ng supermarket na si Armida Garcia, 55, may-asawa at security guard ng supermarket at residente ng Caloocan City.
Inireklamo ang mga suspek ng complinant na si PSSg. Neil Christian Fresco, 39, may-asawa, miyembro ng PNP at nakatalaga sa Quezon City Police District station 3 Talipapa at residente ng Caloocan City.
Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 3 Talipapa naganap ang insidente dakong alas 4:00 ng hapon nitong Agosto 11, 2026 (Martes) sa loob ng isang grocery store sa Quirino Hiway, Brgy. Baesa, QC.
Sinabi sa ulat na pumasok ang biktima/complinant sa naturang supermarket para mamili at ng palabas na siya ay isinumbong ang biktima ng guwardiya ng naturang supermarket sa nakaunipormeng pulis na si Patrolman Austria na kasalukuyan naman papasok sa naturang supermarket dahil may dala itong baril.
Sinita umano ng nakaunipormeng pulis (Pat. Austria) ang biktima na isa rin palang pulis na nakasibilyan at pilit na kinukuha ng una ang kanyang string bag, dahilan para umano maglabas ng baril ang una at tutukan umano ng baril ang biktima saka hinatak papasok sa loob ng supermarket.
Ayon kay PSSg. Fresco sa loob ng supermarket ikinagulat ng biktima nang bigla umano siyang sampalin ng baril sa mukha ng suspek dahilan para bumagsak siya sa semento saka tinapakan ng suspek sa mukha.
“Nirerespeto ko ang uniporme nya kahit nagpakilala na ko sa kanya na isa rin akong pulis (biktima) subalit hindi nya ako pinaniwalaan at ginawan nya pa rin ako ng pananakit” ayon sa interbyu sa biktimang si PSSg. Fresco.
Nabatid sa ulat matapos bumagsak sa semento ang biktima ay tinapakan pa umano sa kanyang mukha ang biktima dahilan para sa dagdag na pananakit sa una at inutusan umano ni Pat Austria ang guwardiya ng supermarket na tulungan siya para posasan ang biktima.
Kasalukuyan ngayon nahaharap sa kaso ang naturang pulis na si Pat. Austria at ang guwardiya ng supermarket dahil sa naturang insidente. (Santi Celario)