Home NATIONWIDE Walang batang lalakí sa anino ng armed conflict – bagong NTF-Elcac chief

Walang batang lalakí sa anino ng armed conflict – bagong NTF-Elcac chief

1
0

MANILA, Philippines – Nangako ang bagong itinalagang executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) na walang batang filipino ang muling lalaki sa anino ng armed conflict.

Inihayag ni NTF-Elcac Executive Director Danilo Pamonag ang pangako niyang ito kasabay ng kanyang pormal na pag-upo sa task force noong Agosto 12, 2026.

“Formally taking the helm of the NTF-Elcac, Pamonag called on government agencies, local chief executives, security forces, civil society, and local communities to move forward with a common purpose,” ayon sa kalatas ng NTF-Elcac.

Para sa bagong NTF-Elcac executive director, ang pangmatagalang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng armed encounters.

Binigyang diin ni Pamonag na ang tagumpay ay dapat na nasusukat sa pang-araw-araw na buhay ng mga ordinaryong mamamayan, ibig sabihin maaring magpunta ang bata sa paaralan nang walang takot, maaaring kumita ng mapayapa ang isang pamilya at maaaring maka-access ang isang remote barangay ng buong government services.

“The finish line is within our sight, but the final steps require our highest level of passion, integrity, and hard work,” ani Pamonag.

“We must remain proactive and agile in serving the people, so that no Filipino child will ever again grow up in the shadow of armed conflict,” aniya pa rin.

Iniangkla naman ni Pamonag ang kanyang roadmap sa tatlong foundational pillars gaya ng “unity, peace at development.”

Samantala, nagbigay-pugay naman si Pamonag sa kanyang predecessor na si Undersecretary Ernesto Torres Jr., para sa kanyang ‘strategic foresight’ sa pagpapahina sa armed insurgency, bigyang kapangyarihan ang local chief executives at pangunahan ang kampanya tungo sa mabuting pamamahala.

At sa patuloy na paghina ng insurgency, sinabi ni Pamonag na isinusulong naman ng NTF-Elcac secretariat, regional task forces at partner agencies ang pagsasagawa ng final stretch na may pinataas na propesyonalismo at integridad, ang pangwakas na tagumpay ay makapagbibigay kapangyarihan sa henerasyon ng mga batang filipino na hindi na mabubuhay sa pamamagitan ng insurhensiya. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here