Home METRO Lolo timbog sa pangmomolestiya ng 13-anyos na pamangkin sa Taguig

Lolo timbog sa pangmomolestiya ng 13-anyos na pamangkin sa Taguig

3
0

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 68-taong-gulang na lolo dahil sa di-umanoý pangmomolestiya sa kanyang 13-anyos na pamangkin matapos madakip ng mga tauhan ng Sub-Station 10 ng Taguig City police bago mananghali ng Huwebes, Agosto 13.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na suspek si alyas RRCP, 68, walang trabaho, residente ng Taguig City.

Base sa inisyal na report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco, naganap ang insidente ng pangmomolestiya dakong alas-11:40 ng umaga habang naghahanda para pumasok sa paaralan ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Rizal, Taguig City.

Ayon sa salaysay ng biktima, natakot siya nang komprontahin ng suspek at pilit siyang pinaghuhubad ng kanyang damit upang maisagawa ang kagustuhan nitong gawin sa kanya.

Dahil sa pangamba ng kanyang kaligtasan ay agad na umalis ng bahay ang biktima na nagtungo sa kanyang kaibigan at ina nito na kanya namang pinagsumbungan sa tangkang pangmomolestiya sa kanya ng suspek.

Makaraang mapakinggan ang rebelasyon ng biktima ay agad namang humingi ng tulong ang mag-ina sa mga opisyal ng barangay kung saan mabilis namang kumilos ang mga tauhan ng Barangay Security Force (BSF) na siyang dumakip sa suspek at itinurn-over ito sa mga tauhan ng Sub-Station 10.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon kung saan inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code o acts of lasciviousness laban sa kanya sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Cinco ang mga tauhan ng Sub-Station 10 gayundin ang mga opisyal ng barangay dahil sa kanilang mabilis na pagkilos na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek at nagsabing mananatiling zero tolerance ang SPD sa mga krimeng laban sa kababaihan at mga bata. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here