Home METRO 2 nasawi sa sunog sa Sampaloc

2 nasawi sa sunog sa Sampaloc

3
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 78-anyos na may-ari ng bahay at ang kanyang 48-anyos na helper matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Don Quijote Street, Sampaloc, Manila madaling-araw ng Sabado, Agosto 15.

Natagpuan silang walang malay at nakahandusay sa sahig. Ayon sa pulisya, may pulso pa ang dalawa nang mailabas sila ng mga bumbero, ngunit kalaunan ay idineklarang patay sa ospital.

Nagsimula ang sunog bandang 1:00 a.m. sa dalawang-palapag na bahay na itinayo pa noong dekada 1930, at tuluyang naapula bandang 1:32 a.m.

Isang aso rin ang natagpuang walang malay sa loob ng bahay. Sinubukan pa itong i-revive ng mga kapitbahay at dinala sa beterinaryo, ngunit hindi rin ito nakaligtas.

Walang ibang bahay ang naapektuhan ng sunog. Hinihinalang problema sa kable ng kuryente ang sanhi ng sunog, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here