Home HOME BANNER STORY Drayber ng patrol car ng LTO na lumabag sa batas trapiko pinasisibak

Drayber ng patrol car ng LTO na lumabag sa batas trapiko pinasisibak

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) ang dismissal ng drayber ng isa sa mga patrol vehicle ng ahensya, kasunod ng pagsasampa ng reklamo laban dito kaugnay sa viral video na nagpakita ng pag-counterflow ng naturang sasakyan sa Santiago City noong Agosto 12.

Sa kalatas nitong Sabado, Agosto 15, sinabi ng LTO na sa initial evaluation ng video ay nakumpirmang ang sasakyan ay pumasok sa maling linya dahilan para ito ay maikonsiderang counterflow at magdulot ng trapiko.

“Pinasisibak ko ang nasabing drayber at inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya,” sinabi ni LTO Director Markus Lacanilao.

“Walang sinuman ang higit sa batas, kabilang ang ating mga sariling tauhan,” dagdag pa,

Matapos matukoy ang drayber ay nag-isyu ang LTO ng show cause order na nag-aatas dito na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng ahensya.

Inatasan din ito na magpasa ng written explanation at kaukulang mga dokumento kaugnay sa umano’y mga paglabag na traffic obstruction at disregarding traffic rules.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy kung may sapat na batayan upang mapanagot ang drayber sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, maging sa iba pang posibleng paglabag.

Inilagay na sa 90-day preventive suspension ang lisensya ng drayber at ipinag-utos na isuko ito sa IID. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here