Home METRO 2 patay sa sunog sa Sampaloc

2 patay sa sunog sa Sampaloc

3
0

MANILA, Philippines – Na-trap ang dalawang residente sa isang bahay na nasunog na nagresulta ng kanilang pagkamatay nitong Sabado ng umaga, Agosto 15.

Sa naantalang ulat, nangyari ang sunog sa isang bahay habang malakas ang ulan sa Don Quijote Street, Barangay 480, Sampaloc, Maynila.

Kabilang sa na-trap ang isang senior citizen na may-ari ng bahay at kanyang kasambahay na 48 anyos matapos silang ma-suffocate sa makapal na usok habang natutulog.

Nagsimula ang sunog 1:00 ng madaling araw na agad itinaas sa unang alarma. Idineklarang fire out matapos ang 30 minuto.

Natagpuan ng mga bumbero ang dalawang biktima sa ground floor ng bahay kung saan idineklara pa sa hospital ngunit Idineklarang dead on arrival.

Ayon kay Barangay 480 Chairman Carlito Cabunot, posibleng problema sa kuryente ang naging sanhi nito.

Sinubukan naman ng ilang tauhan ng barangay na apulahin ang sunog gamit ang mga fire extinguisher ngunit nahirapan silang makapasok dahil bukod sa makapal ang usok, may iron grills ang mga bintana.

Narinig pa umano ng mga residente na humihingi ng tulong ang mga biktima bago tuluyang lumala ang usok at apoy.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang eksaktong sanhi ng sunog na hinihinalang nagmula sa electrical wiring. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here