Home ENTERTAINMENT Aiko, ‘dying’ na raw, umalma!

Aiko, ‘dying’ na raw, umalma!

3
0

Manila, Philippines – Inalmahan ni Quezon City Councilor ang sinabi ng isang basher na

“dying” na siya.

Ayon kasi sa basher, ‘di daw kasi kaaya-aya ang itsura ni Aiko Melendez.

Bukod dito’y tumanda din daw ang mukha nito.

Hindi ito pinalampas ni Aiko at ng kanyang nobyong si Onemig Bondoc.

Mataray na resbak ng aktres-pulitiko: “Para sa mga gumagawa ng content online, mag-fact-check muna kayo. Yes, may sakit but it doesn’t mean that I’m dying!”

Nag-second the motion naman si Onemig: “Matagal pa kaming magsasama. We have a long way to go!”

Nagbabala din ang dating 90s heartthrob: “Manahimik kayo!”

Minsan nang nilinaw mismo ni Aiko na meron siyang thyroid problem.

Taglay na daw niya ito noong teenager pa, if not at an earlier age.

Payo nga niya’y regular na kumonsulta sa doktor.

In her case kasi, her medical checkups were interrupted. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here