Home NATIONWIDE Pax Silica bantay-sarado sa Senado – Gatchalian

Pax Silica bantay-sarado sa Senado – Gatchalian

1
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na todo bantay ang Senado sa Pax Silica kabilang ang proseso ng pagpapatayo, operasyon at environmental impact ng proyekto upang matiyak na hindi nakakasira sa kapaligiran at kalikasan.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na magsasagawa ang Senado na mahigpit na oversight sa Pax Silica initiative upang matiyak na magiging isa itong malaking oportunidad sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, gagawin ito habang tinitiyak na natutugunan nang maayos ang mga isyu sa maaaring makaapekto sa kapaligiran.

“Importante na ang Senado ay magkaroon ng oversight at masigurado na ang mga risks at hinaing ay matugunan natin,” pahayag ni Gatchalian sa isang nakalipas na pagdinig ng Senado hinggil sa inisyatibo.

Binigyang-diin niya na ang Pax Silica initiative ay dapat maghatid ng pangmatagalang pakinabang sa ekonomiya ng bansa nang hindi isinasakripisyo ang kaligtasan ng kalikasan, soberanya ayon sa saligang-batas, at ang mga karapatan ng mga lokal na komunidad, kabilang ang mga magsasaka at mga katutubo.

Bagama’t nag-aalok ang inisyatibo ng isang pambihirang oportunidad para sa bansa ng isang high-value technology sector na maaaring
lumikha ng 200,000 direktang trabaho at aabot sa 800,000 oportunidad sa trabaho sa panahon ng konstruksyon nito, mula sa low-value semiconductor assembly at bulnerableng entry-level na trabaho sa Business Process Outsourcing (BPO). Ang ganitong mga potensyal sa ekonomiya ay dapat balansehin ng walang-kompromisong pagbabantay, ayon kay Gatchalian.

Iginiit pa ng Senate President, ang pagbabantay ng Senado ay pananatilihin sa lahat ng yugto ng proyekto. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here