MANILA, Philippines – Nakatakdang maghain ng ruling si impeachment court presiding officer, Senator-Judge Francis “Chi” Escudero sa public statements ng ilang abogado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na labas sa korte.
Sa pahayag, sinabi Escudero na nakatakdang mag-ruling ang presiding officer ngayon, Lunes, Agosto 17 hinggil sa paggamit ng prosecution sa social media hinggil sa impeachment trial ni Duterte.
Isinasagawa ngayon ang ika-16 araw ng paglilitis kay Duterte sa paglulustay ng pondo ng bayan, pagbabanta sa Pangulo at iba pang kaso na nakatala sa Articles of Impeachment.
Ayon kay Escudero, lumampas ang abogado sa paglilitis noong Agosto 12 na isang paglabag sa impeachment rule na ipinagbabawal ang sinumang Partido sa impeachment court laban sa paglalahad ng komento at paglalantad sa publiko ng anumang merito ng impeachment trial.
Inihayag ito ni Escudero pagkatapos maghain ng reklamo si lead defense counsel Sheila Sison sa manipestasyon nito na pumupuna sa social media post ng private prosecutor Amando Ligutan, na tumutukoy sa pahayag ng defense counsel Katherine Ferrer sa cross-examination nang araw na iyon.
Sa isang social media post nang araw na iyon, isinulat ni LIgutan na ang “misleading questions are not allowed even on cross-examination” is A “principle all lawyers and law students know by heart.”
Naniniwala si Sison na tugon kito sa comment ni Ferrer na pinapayagan ang misleading question sa cross-examination.
Papayagan si Ligutan na ipaliwanag ang sarili sa korte bago maghain ng ruling sa isyu
Nitong nakaraang linggo, umani ng pagbatikos si Escudero sa ilang miyembro ng Mababang Kapulungan na dapat gamitin din ang pagpuna sa ilang senator-judges at mismo kay Duterte, dahil nakatakda sa impeachment rule na ipinagbabwal sila na magbigay ng public state,ments sa merits ng paglilitis. Ernie Reyes