BENGUET, Philippines – Tuloy-tuloy pa rin ang clearing operation ng DPWH sa Gov. Bado Dangwa National Road sa Bangho, Daclan, Tublay matapos bumigay ang curtain net sa lugar dahil sa soil collapse.
Ayon sa DPWH, dulot ito ng sunud-sunod na malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Nauna nang nag-utos ng pambansang pamahalaan na tiyaking ligtas at mabilis na mabuksan ang mga kalsadang naapektuhan ng masamang panahon.
Kaya naman nagsasagawa ngayon ng road safety at clearing operations ang DPWH para maibalik agad sa normal ang daloy ng trapiko.
Habang ginagawa ang operasyon, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna Suyoc-Baayan-Posos Road; Ambongdolan-Tuel-Alno-Alapang Provincial Road. Jocelyn Tabangcura-Domenden