Home NATIONWIDE Lahat ng media platform sakop ng nationwide ban sa ads ng online...

Lahat ng media platform sakop ng nationwide ban sa ads ng online gambling – Chiz

4
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senador Francis “Chiz: Escudero na sakop ang lahat ng media platform, pormal man o social, sa nationwide ban sa advertisement ng online gambling upang masugpo ang addiction at protektahan ang mahihinang Filipino.

Sa kanyang “Chiz Wiz! Usapang May Laman” podcast nitong Linggo, Nilinaw ni Escudero ang kanyang panukalang Senate Bill No. 2347, na naglalayong magtakda ng matibay, legally enforceable limits kung paano itataguyod ang gambling platforms.

“Iyan ‘yung logic ng ating proposed legislation, huwag padaliin … Paano ba pahirapan ‘to para hindi basta-basta makapaglaro,” giit niya saka binanggit na naging laganap at madaling makapaglaro sa online gaming ang matanda man o bata.

Giit ni Escudero na dapat may pangnangailangan na maisabatas ang pagbabawal sa lahat ng gambling‑related advertising kabilang ang boluntaryong guidelines ng Ad Standards Council na kinakaialang na aalisin ng miyembro ang gambling imagery at paraphernalia sa lahat ng media platforms dahil “they are not legally enforceable.”

Kaya inihain niya ang SB 2347 na nagsasabing “prohibit all forms of gambling sponsorships and advertisement across television, radio, print, online platforms, and social media, which he called the “first step in a broader effort to reduce gambling‑related harm.”

“Ang kailangan ng batas ay itong sa advertisement dahil kailangan mong i-regulate dito ‘yung mga private companies,” aniya.

Ayon sa senador mulang Bicol na patungo na ang ating bansa sa landas ng regulasyon katulad ng   tobacco industry, na nagsimula nang maisabatas ang  Republic Act 9211 na nagbabawal  sa  cigarette advertising at kamalaunan, pinalawak  na isali ang graphic health warnings.

“The bill prohibits gambling advertisements and promotions, bans the use of celebrity endorsers and influencers, disallows bonus incentives that encourage betting, and bars the placement of gambling content across online, electronic, and physical media,” ayon sa panukala. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here