MANILA, Philippines – Muling nalubog sa baha ang maraming kalsada sa Maynila dahil sa malakas at patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.
Ilan dito ay hanggang gutter deep na ang lalim ng baha ngayong hapon partikular sa ilang pangunahing kalsada sa lungsod.
Kabilang sa mga lugar na apektado na ng mabilis na pagtaas ng tubig baha o gutter deepĀ ang bahagi ng Quirino Avenue corner Taft Avenue – Quirino Ave. Facing V. Cruz ; Taft NBI – Gutter Deep ; Padre Faura – Gutter Deep; Taft Ave. beside PNU ; P. Ocampo to Roxas ; Kalaw Facing Taft ; at UN Kalaw Northbound
Pinapayuhan ang mga residente at mga motorista na mag ingat, lalo pat inaasahang mas lalakas pa ang pag-ulan ngayong hapon matapos mailagay sa red warning ng PAGASA ang National Capital Region (NCR). Jocelyn Tabangcura-Domenden