Home METRO 16 katao nasagip sa lumubog na bangka sa Romblon

16 katao nasagip sa lumubog na bangka sa Romblon

3
0

ROMBLON, Philippines — Labing-anim na katao, kabilang ang 14 pulis at dalawang sibilyan, ang nasagip matapos lumubog ang isang passenger boat sa karagatan ng Calatrava, Romblon nitong Lunes.

Ayon sa Philippine Information Agency (PIA) sa Romblon at Romblon News Network, ligtas na nakarating sa pampang ang lahat ng sakay ng bangka.

Sinabi ni Corcuera Mayor Elmer Fruelda na unang bumiyahe ang bangka mula Calatrava patungong Simara. Sakay naman nito ang 14 pulis at dalawang sibilyan sa biyahe pabalik.

Pagdating sa karagatan malapit sa Calatrava, sinalubong umano ito ng malalakas na alon na naging dahilan upang mawalan ng balanse at tuluyang lumubog ang bangka.

Dinala ang mga nasagip na pasahero sa barangay hall ng Barangay Talisay, kung saan inasikaso at sinuri ng mga awtoridad ang kanilang kalagayan.

Samantala, hinila rin ang lumubog na bangka patungo sa dalampasigan.

Patuloy pang kinokolekta ng mga awtoridad ang detalye tungkol sa insidente, kabilang ang mga pangyayari na naging sanhi ng paglubog ng sasakyang-dagat.

Sa pinakahuling ulat, walang naiulat na nasugatan o nasawi sa 16 na pasahero. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here