Home NATIONWIDE Col. Lachica, tinurong nagpatupad ng confidential fund activities ng OVP, papel nito...

Col. Lachica, tinurong nagpatupad ng confidential fund activities ng OVP, papel nito sa tanggapan ni VP Sara, ‘di nakadeklara

3
0

MANILA, Philippines – Si Col. Raymund Dante Lachica, ang security officer ni Vice President Sara Duterte, ang nagpatupad ng mga confidential activities na pinondohan ng Office of the Vice President (OVP) noong 2023, ayon sa pahayag ng dating special disbursing officer na si Gina Acosta sa 1ka-16 araw na paglilitis ng impeachment.

Kinumpirma ni Acosta ang papel ni Lachica sa operasyon nang usisain ng prosekusyon kung sino ang aktwal na nagsagawa ng mga aktibidad na pinondohan ng confidential funds.

Nang tanungin ni private prosecutor i Atty. Amando Virgil Ligutan kung si Lachica rin ba ang nagpatupad ng lahat ng confidential activities noong 2023, tumugon si Acosta ng, “Tama po, Your Honor.”

Paliwanag ni Acosta, si Lachica ang kanilang pinag-utusan dahil siya ang security officer na may kadalubhasaan sa mga confidential operation at may access pagdating sa pambansang seguridad. Dagdag pa niya, wala siyang personal na kaalaman o kakayahan sa pagpapatupad ng ibat ibang confidential activities o operations on the ground.

Nauna nang tinukoy ni Acosta si Lachica bilang commanding officer ng Vice Presidential Security and Protection Group at security officer ng OVP na itinalaga ni Duterte upang humawak ng mga usaping pang-seguridad na may kaugnayan sa confidential operations.

Ang OVP ay nakatanggap ng tatlong tranches ng P125-milyong confidential fund noong 2023 matapos makatanggap ng unang P125 milyon noong Disyembre 2022, na kabuuang P500 milyon na bahagi ng P612.5 milyong sinisiyasat sa Artikulo I ng impeachment complaint laban kay Duterte.

Samantala, inamin din ni Acosta sa pagdinig na ang mga dokumentong isinumite kaugnay ng confidential funds ng OVP, kabilang ang physical and financial plans, accomplishment reports, liquidation reports, o certifications, ay walang nakalabgay na pangalan ni Lachica.

Nang tanungin ni Atty. Ligutan kung isiniwalat ba sa mga dokumentong ito ang papel ni Lachica, tugon ni Acosta ay “Wala.” Gayunpaman, kinumpirma niya ang kanyang naunang pahayag sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na si Lachica ang nagbigay ng mga impormasyon, input, gabay, at patungkol sa mga object of expenditure para sa pagpapatupad ng mga proyektong pinondohan ng confidential funds.

Sa kabila ng mahalagang papel ni Lachica, sinabi ni Acosta na hindi niya tiyak kung ito ay empleyado ng OVP, at ang tanging alam lamang niya ay may hawak itong office order bilang security officer ng tanggapan nang walang tiyak na kaalaman kung ito ba ay sumusweldo sa ilalim ng OVP. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here