Home NATIONWIDE Sa pag-withdraw, P125-M secret funds ni Sara, inilagay sa 4 na black...

Sa pag-withdraw, P125-M secret funds ni Sara, inilagay sa 4 na black bag – Testigo

3
0

MANILA, Philippines – Opisyal na pinatunayan sa impeachment court ng dating special disbursing officer (SDO) ni Vice President Sara Duterte na kinuha ang P125 milyong confidential funds mula sa Land Bank of the Philippines (LandBank), Shaw Blvd., Branch sa Mandaluyong City, nitong Lunes, Agosto 17,2026.

Sa kanyang testimonya sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Duterte, sinabi ni Gina Acosta, dating SDO ng Office of the Vice President, na inilagay ang P125 milyon sa loob ng apat na kulay itim na oblong na bag nang kunin ito sa LandBank.

Aniya, naglabas ang LandBank ng dalawang malalaking kahon ng pera saka ibinigay sa kanya at inilipat ni Acosta ang pera sa kulay itim na bag, sa kanyang testimonya kung paano ginastos ng OVP ang P125 milyong CF sa ikaapat na bahagi ng 2022.

Sinabi ni Acosta na “dalawang malalaking kahgon” na naglalaman ng P125 milyong CF para sa tanggapan ni Duterte ang kanyang kinuha sa naturang bangko saka inilipat sa itim na bag.

“Binilang niyo po ba, tinanggal niyo po ba mula sa kahon o hindi na?” tanong ni Presiding Officer, Senator-judge Francis Escudero.  “Pagkatanggal niyo ba sa kahon, ibinalik niyo ba sa kahon?  Saan niyo na nilagay?”

“Tinanggal po sa kahon your Honor […] Nilagay ko po sa aking apat na bag,” ayon kay Acosta.  “Parang traveling bag po your Honor na oblong.”

Ipinakita ni prosecution counsel Amando Virgil Ligutan habang isinasagawa ang direct examination, ng isang artificial intelligence (AI) na larawan, na nagpapakita ng apat na traveling bag na may laman na P125 milyon sa loob saka tinanong si Acosta kung magkatulad ito sa kanyang ginamit ng bag.

Pero, ayon kay Acosta, magkaiba dahil “oblong” ang ginamit nyang bag at may zipper mula sa pagbukas hanggang dulo nito.

 “This is the question now: these P125 million funds, did you put them into bags, or you brought them out one-by-one?” tanong ni Ligutan.

“Nilagay po ‘yon sa apat na bag (I placed it in four bags) your Honor,”  tugon ni Acosta.

“I will show you now representation of P125 million inside four traveling bags.  Ito ‘yong tanong now, okay, four traveling bags with bills, P1,000 bills, ‘yong hapon na ‘yan, maaalala niyo ba Ms. Gina Acosta kung ‘yong na-withdraw niyo na P125 million na isinilid niyo sa four traveling bags, do they look like these?” tanong ulit ni Ligutan.

“Hindi ganyan your Honor kasi opening niyan is round, ang sa akin, ang dinala ko na bag is pa-ganoon po ang zipper,” giit ni Acosta.

Sinabi pa ni Acosta na pawang kulay itim ang ginamit nyang bag sa pagkuha ng pera mula sa naturang bangko.

Magkatulad ang testimonya ni Acosta sa pahayag ng dating testigo ng prosecution na si dating department manager Violeta Constantino na namahala sa Shaw blvd branch ng bangko, sa Article 1 ng Articles of Impeachment hinggil sa alegasyon na paglulustay ng secret funds ng tanggapan ni Duterte na kinuha noong Disyembre 20, 2022.

Ganito din ang testimonay ni Ramil Madriaga, dating aide ni Duterte sa kanyang testimonya sa House committee on justice noong nakaraang Abril 14 na nagsasabing inatasan siya ng Vice President na makipag-koordinasyon kay   Col. Dennis Nolasco  hinggil sa paghahatid ng cash sa kaalyado nto sa   San Pablo, Laguna; isang comedy bar sa Quezon City, at sa  Office of the Ombudsman parking lot bilang pamamaraan na “returning a favor.”

Ayon kay Madriaga, dapat na malalaking duffle bag ang kinuha mula sa sasakyuan, tatlo ang nasa itim na bag lalagyan at isa ay pawang light colored na naglalaman ng P30 milyon hanggang P35 milyon.

Iginiit ni Madriaga na hindi 11 araw nilustay ang P125 milyon, kundi isang araw lamang. Ermie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here