Home NATIONWIDE Krimen sa Metro Manila, bumaba ng 59%

Krimen sa Metro Manila, bumaba ng 59%

3
0

MANILA, Philippines — Bumaba ng 59.24% ang walong focus crimes sa Metro Manila mula Agosto 10 hanggang 16, 2026, kumpara sa kaparehong panahon noong 2025, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa NCRPO, bumaba ang bilang ng mga insidente mula 157 noong nakaraang taon tungo sa 64 ngayong taon, o 93 insidente ang nabawasan.

Kabilang sa walong focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motor vehicle at carnapping ng motorcycle.

Lahat ng walong uri ng krimen ay bumaba, at pinakamalaki ang pagbaba sa carnapping ng motor vehicle na umabot sa 100%. Sumunod ang theft, rape, physical injuries, homicide, robbery, carnapping ng motorcycles at murder.

Sa parehong panahon, nakahuli ang NCRPO ng 277 wanted persons, kabilang ang 107 Most Wanted Persons at 170 Other Wanted Persons. Pinakamarami ang nahuli ng Manila Police District (MPD) na umabot sa 86.

Nagsagawa rin ang NCRPO ng 245 anti-illegal drug operations, na nagresulta sa 305 pag-aresto at pagkakasamsam ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P10,708,896.80.

Kasama sa mga nakumpiska ang 1,571.56 gramo ng shabu, 26.44 gramo ng dried marijuana leaves, 5.30 gramo ng kush at 25 cannabis-related vape items.

Pinangunahan ng Southern Police District (SPD) ang anti-drug operations na may 89 operasyon at 109 pag-aresto, habang MPD naman ang nakapagtala ng pinakamalaking nakumpiskang shabu na 656.86 gramo.

Nagpatuloy rin ang kampanya laban sa illegal gambling, kung saan nagsagawa ang NCRPO ng 221 operasyon na nagresulta sa 434 pag-aresto at pagkakasamsam ng perang mula sa pagsusugal.

Samantala, 35 operasyon naman ang isinagawa laban sa loose firearms, na nagresulta sa 36 pag-aresto at pagkarekober ng 36 baril. Pinakamarami ang operasyon ng SPD na umabot sa 17.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Anthony Aberin, hindi dapat maging dahilan ang pagbaba ng krimen upang bawasan ang pagsisikap ng mga pulis.

“A 59.24% reduction in the eight focus crimes is not a reason to ease our efforts—it is a reason to press harder,” ani Aberin.

“We will continue taking illegal drugs and loose firearms off the streets, pursuing wanted persons, and disrupting illegal gambling so that criminals are given less space to operate anywhere in Metro Manila,” dagdag niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here