MANILA, Philippines – Nananatiling naka-medical leave si Senator Loren Legarda hanggang Agosto 19, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug nitong Lunes.
“Her office sent in a letter this morning. Medical leave from 17 to 19 August,” pahayag ni Bantug.
Hindi dumalo si Legarda sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at sa mga sesyon ng Senado mula Agosto 3. Unang nag-file ang senador ng medical leave mula Agosto 3 hanggang 5, at muli mula Agosto 11 hanggang 12.
Samantala, iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Legarda, kanyang anak na si Batangas First District Rep. Leandro Leviste, at dating Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa alegasyon ng graft at plunder kaugnay ng umano’y ghost solar projects na nagkakahalaga ng mahigit P10 bilyon.
Itinanggi na ni Legarda ang mga alegasyon at tinawag itong “utterly false and baseless.”
Hiniling din niya noon sa publiko na huwag agad gumawa ng konklusyon na nag-uugnay sa kanyang pagbiyahe sa mga alegasyong kinakaharap niya.
Wala pa namang bagong pahayag ang kanyang tanggapan tungkol sa pagpapalawig ng kanyang medical leave ngayong linggo. RNT/MDS