MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot sa Megalotto 6/45 at Grand Lotto 6/55 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Agosto 17.
Batay sa opisyal na lotto results ng PCSO, walang tumama sa winning combination na 41-01-43-30-10-33 para sa Megalotto 6/45 na may jackpot na P16,649,127.40.
Wala ring nakakuha ng P138,142,429.09 jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang tumama sa kombinasyong 04-20-38-03-50-24.
Umabot sa kabuuang mahigit P154.7 milyon ang jackpot na walang nanalo sa dalawang major lotto game.
Samantala, 12 mananaya ang nanalo sa 4D Lotto matapos lumabas ang kombinasyong 4-8-4-5, na may premyong P68,854 bawat winning combination ayon sa PCSO results. RNT