Home NATIONWIDE Legarda, muling pinalawig medical leave ‘gang Agosto 19

Legarda, muling pinalawig medical leave ‘gang Agosto 19

1
0

MANILA, Philippines — Muling pinalawig ni Sen. Loren Legarda ang kanyang medical leave sa Senado hanggang Miyerkules, Agosto 19, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.

Ipinaalam ng tanggapan ni Legarda sa Senate Secretariat na naka-medical leave ang senador mula Agosto 17 hanggang 19. Hindi tinukoy sa abiso ang kanyang medical condition.

Ito na ang ikatlong yugto ng medical leave ni Legarda ngayong buwan. Una siyang nag-leave noong Agosto 3 hanggang 5, at muli noong Agosto 11 hanggang 12.

Kasabay ng kanyang pagliban ang nagpapatuloy na preliminary investigation ng Office of the Ombudsman kaugnay ng plunder at graft complaints laban sa kanya at sa anak niyang si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may kinalaman sa mga solar energy project at franchise.

Nauna nang hiniling ni Legarda sa publiko na huwag iugnay ang kanyang medical leave at pagbiyahe sa mga alegasyon laban sa kanya, na tinawag niyang “false and baseless.”

Wala pang inilalabas na karagdagang detalye hinggil sa kondisyon ni Legarda o kung babalik siya sa Senado matapos ang kanyang leave sa Agosto 19. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here