Home HOME BANNER STORY BOC official na tatay ng stude na sangkot sa Zambo school shooting,...

BOC official na tatay ng stude na sangkot sa Zambo school shooting, sinuspinde

1
0

MANILA, Philippines — Isinailalim sa preventive suspension ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) Port Police sa Zamboanga City na ama ng estudyanteng umano’y sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University nitong Martes, Agosto 18.

Kinumpirma ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Bendijo na iimbestigahan ang opisyal upang matukoy kung may pananagutan ito kaugnay ng insidente.

Kabilang sa sinusuri ng mga awtoridad kung ang mga baril na pag-aari ng opisyal ang nagamit ng kanyang anak sa pamamaril.

Hiwalay na iniulat na iniutos ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang pagtanggal muna sa opisyal sa kanyang puwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Hindi pa nagbigay ang BOC ng karagdagang detalye hinggil sa pagkakakilanlan ng opisyal at sa mga armas na iniimbestigahan.

Dalawang estudyante ang nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University. Ayon kay Zamboanga City Mayor Khymer Olaso, kabilang sa mga nasawi ang estudyanteng umano’y namaril, bagaman patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa buong pangyayari.

Ang preventive suspension ng BOC official ay hindi pa nangangahulugang napatunayang may pananagutan ito sa insidente habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here