Home HOME BANNER STORY Marcos ipinag-utos malalimang imbestigasyon sa Zambo school shooting

Marcos ipinag-utos malalimang imbestigasyon sa Zambo school shooting

1
0

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng dalawang estudyante nitong Martes, Agosto 18.

Sinabi ni Marcos na kailangang matukoy hindi lamang ang mga pangyayari sa insidente kundi maging ang mga hakbang na dapat gawin upang maiwasang maulit ang katulad na trahedya sa ibang paaralan.

“Our schools… must also be among the safest places in our country,” bahagi ng pahayag ng Pangulo.

Nangako rin si Marcos na makikipagtulungan ang pamahalaan sa mga paaralan at komunidad upang palakasin ang mga safeguard para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Dalawang estudyante ang nasawi sa pamamaril sa junior high school campus ng Ateneo de Zamboanga University. Isa sa mga namatay ang estudyanteng itinurong gunman, na ayon sa mga opisyal ay binaril ang kapwa estudyante bago kitilin ang sariling buhay.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Marcos sa mga pamilya ng mga nasawi at sa buong Ateneo de Zamboanga community.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng mga armas, motibo sa pamamaril at mga posibleng pagkukulang sa seguridad na nagbigay-daan sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here