Home HOME BANNER STORY DOLE, ipinaalala holiday pay rules sa Aug. 21

DOLE, ipinaalala holiday pay rules sa Aug. 21

1
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa tamang pagpapasweldo sa kanilang mga manggagawa sa panahon ng regular holiday at special non-working days.

Sa inilabas na labor advisory, ang mga manggagawang papasok sa August 21 o Ninoy Aquino Day, na deklaradong special non-working day, ay makatatanggap ng 200% ng kanilang arawang sahod sa unang walong oras.

Habang entitled o makatatanggap pa rin ng 100% ng kanilang arawang sahod ang mga kawani na hindi papasok sa nasabing araw.

Kung natapat naman ang regular holiday sa rest day ng empleyado pero pinapasok, makatatanggap ito ng dagdag pang 30% ng 200% ng arawang sahod, at kapag nag-overtime ay dagdag pang 30% ng kada oras na rate sa nasabing araw.

Mailalapat naman ang “no work, no pay” principle sa Aug. 21, maliban na lamang kung may kasunduan, patakaran, o CBA na babayaran pa rin sila ng kumpanya kahit hindi pumasok.

Kung pumasok naman ang kawani sa special non-working day, dagdag na 30% ng basic wage sa unang walong oras ang babayaran, at kung may overtime ay dagdag na 30% ng kanilang kada oras na rate.

Babayaran naman ng dagdag na 50% ng basic wage sa unang walong oras ang mga kawani kapag natapat ang special non-working day sa kanilang rest day, at kapag nag-overtime ay dagdag na 30%. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here