Home HOME BANNER STORY Pagpapanotaryo online, sinimulan na ng SC

Pagpapanotaryo online, sinimulan na ng SC

1
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema (SC) nitong Miyerkules na opisyal nang magagamit ng publiko ang eNotarization o Electronic Notarization services sa Oktubre 19, 2026.

Susundan ang paglulunsad ng pagkilala sa unang batch ng mga kwalipikadong Electronic Notaries Public (ENPs), na may awtoridad na magsagawa ng notarial acts para sa mga indibidwal, nasaan man sa Pilipinas at, sa ilang pagkakataon, kahit nasa ibang bansa.

Ang eNotarization ay isang digital na proseso kung saan ang mga electronic document ay pipirmahan at notaryuhan sa pamamagitan ng secure na Electronic Notarization Facility (ENF) Provider.

Gagamit ang mga ENP ng electronic na paraan sa pagsasagawa ng notarial acts gamit lamang ang mga pasilidad na akreditado ng SC, alinsunod sa Rules on Electronic Notarization.

Noong nakaraang taon, inaprubahan ng Korte Suprema ang mga Rules na gumagamit ng teknolohiya para gawing mas accessible at mas episyente ang serbisyo ng notaryo sa buong bansa.

Bago pa aprubahan ang mga Rules, nagsagawa ang isang technical working group (TWG) ng masusing pag-aaral, benchmarking ng mga best practices mula sa ibang bansa, at konsultasyon sa mga stakeholder, kabilang ang mga ahensya ng gobyerno at mga eksperto sa teknolohiya.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here